Posted by: superbeng | January 6, 2008

Balik Sydney

Masaya talagang magbakasyon sa Pilipinas kahit mahal ang mga bilihin, kahit traffic saan ka man magpunta, kahit mausok sa daan, kahit mahaba ang pila sa FX, kahit siksikan sa sasakyan, at kahit nahagisan ako ng paputok sa daan :)

Paggising ko isang araw parang nakalimutan ko na nasa Sydney na pala ulit ako. Naisip ko tuloy sana andito na nanay at tatay ko hehe para akong bata. Nakakamiss naman agad. Pati rin ang mga pinsan ko na nakakaaliw kakwentuhan at madudusing na uuwi sa bahay galing sa maghapong laro. Nakakamiss ring tumambay sa tindahan lalo na kung may mga nagiinuman sa labas. Ang mga lasing talaga nakakatuwang magkwentuhan! Isa pa sa mamimiss ko ang Chowking, grabe ang sarap kumain doon! Hinde nakakasawa. At malls na bukas pa on late hours! At syempre ang magsabi sa mamang driver ng “Mama bayad po.” “Mama sukli ko po.” “Mama para po.” hehe.

Noong pagbalik ko sa Sydney, mainit at tahimik. Maaga pa lang sarado na ang mga shops, konting tao lang makikita mo sa daan para talagang Mahal Na Araw sa katahimikan. But I am happy and thankful na safe akong nakauwi bitibit ang mga pasalubong at padala galing Pilipinas. Namiss ko rin naman ang Sydney :)


Leave a response

Your response:

Categories