Nakatanggap ako ng text noong May 10, 2005 04:47:12pm.
SMART PADALA:YOU WON NOKIA 7610 FROM OUR NETWORK TO CLAIM YOUR PRIZE PLEASE CALL OUR TOLL FREE NO. 09282786697 PER DTI PERMIT #1795 SERIES OF 2005
Hinde ko pinansin ‘to, nakita ko lang ‘SMART PADALA’ akala ko promo text, so hinde ko na binasa lahat. Pero kanina ko lang napagtanto ang kabuuan ng text message. Nanalo ako?!?! Hmmm, ano ba itsura ng 7610? Malay mo totoo! Hinde ako makatawag, disconnected na ang linya ko, hinde ko pa na-settle yung bills ko. Mamaya na lang. Excited ako pero kaya ko pang pigilan ang sarili ko.
Mga 7pm, nanghiram ako ng cellphone. Unang tawag ko, walang sumasagot. Sunod na tawag ko may sumagot na, babae. Nanalo nga raw ako!!! Hinde lang 1 kundi 18 units ng Nokia 7610. At may 500,000 pesos cash na kasama. Totoo ba to? Tamang tama kelangan ko ng pera.
Medyo nabawasan yung excitement ko dahil sabi niya kailangan ko raw bumili ng 18 smart prepaid cards para sa 18 units na napanalunan ko. Itatawag ko sa kanya yung cards numbers. Pwede ko raw ma-claim yung prize sa SMART Tower sa Ayala bukas o sa ibang araw, i-rereimburse naman daw yung mga prepaid cards na bibilhin ko. Pero may deadline, hanggang 8pm na lang daw at forfeited na yung prize ko. Huh?! Pinapagalitan pa niya ako dahil ngayon ko lang daw sila tinawagan e kahapon pa raw ako nainform. Nag-explain naman ako. Huwag ko raw i-ignore yung mga ganitong text. Sinuggest pa nya na bumili na lang daw ako sa pinakamalapit na 7-Eleven, para madali kong maitawag sa kanya. Natapos ang usapan. Maghihintay siya ng tawag ko, kahit na sinong smart representative daw ang kausapin ko.
Gusto ko lang tumalon sa tuwa kahit alam ko na i-veverify ko pa ‘to sa SMART. Nandamay pa nga ako ng mga kaibigan ko. Gusto kong maniwalang totoo na nanalo ako kasi 1 million e! Malas ako sa mga raffles tapos ngayon grand prize winner pa ako!
So hinde nga totoo, wala daw ongoing promo na ganito. Actually, wala rin naman akong pambili ng 18 smart prepaid cards. Ako ata ang nakaloko.
(tama bang may toll free number na cellphone number?)